"Ang mga Kabataan Noon at Ngayon"
Sa paglipas ng panahon, maraming bagay ang nagbabago, ngunit paano ba maiiwasan ang mga pagbabago? Paano ba mapapanatili ang mga nakagawian na? 'di ba't sinasabi na ang kabatan ang pag-asa ng bayan? Ngunit sa ngayon ay ibang iba na ang mga kabataan.
Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit
na magalang,masunurin dahil sa iang tingin lang ng magulang sa kanilang anak tumatahimik na o kaya'y sumusunod na agad at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang
taimtim sa
puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa, mga walang bisyo at maka-Diyos; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon
ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at
pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya
wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal
ay ipinagmamalaki ng lahat.
Noong unang panahon ang mga kabataan ay palaging nasa tahanan. Parating tumutulong sa kanilang mga magulang sa gawaing bahay. At naiiba pa ang kanilang kasuotan yun bang tinatawag nating "Maria Klara" ika nga. At mas makapag-aaral pa sila ng mabuti dahill noon wala pa ang tinatawag nilang "Internet o di kaya ay T.V. at Cellphone at iba pa. hindi pa sila bubulakbol o sumasama sa aknilang mga barkada kung wala ang pahintulot ng kanilang mga magulang. Samantalang ngayon, hindi sila natatakot sa kahit na sino. Sa madaling salita matigasin na talaga ang kanilang mga ulo. Kahit hindi pinapayagan ng magulang na sumama sa kanilang mga kaibegan ,hindi talaga nila ito sinusunod kaya minsan ang kadalasang nangyari marami ang nabuntis na mga dalagang binata at marami din ang nalulong sa masamang bisyo .At nag lalaro narin sila ng online o sa tinatawag nilang internet .At minsan hindi na sila pumapasok sa skwela para mag-aral imbis na mag-aral sila ay nagtatambay na sila kahit saan. Kaya mabagal ang pag-usad ng ating ekonomiya dahil sa katamaran nating mga pilipino.
Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa
makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay pabalang na sumagot sa magulang na napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa, hindi masunurin dahil ang laging sagot ngayon ay "mamaya na" o "saglit lang". Lubhang mapangahas sa mga gawin at
mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit
na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasimbait at magkasinsipag sa mga
kabataan noon at ngayon.
Kung sa pananamit ng mga babae noon at ngayon. Noon, ang pananamit ng mga babae ay halos mata na lang ang maaring makikita, ngunit ngayon ay madaming pagbabago ang naganap. Kung makikita mo ay halos maghuhubad na sa kanilang mga pananamit na kita na ang kanilang kaluluwa, ika nga nila nagkulang daw ng tela.
Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan
at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba’t mayroon tayong
“Sampung Lider na mga
Kabataan” na pinipili taun-taon?Sila
ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon.
Kaya kung papipiliin ako, mas gusto ko pa noon kaysa ngayon. Dahil noon simple lang ang ating pamumuhay at tahimik walang gulo kaysa ngayon masaya nga marami namang gulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento